SEKTOR NG INDUSTRIYA:natutunan,opinyon,realisasyon at sariling programa.
Magandang araw po sa inyo ako nga po pala si Jerico isang mag-aaral ng Lourdes National High school. Ako po ay 15 taong gulang na. Sa katunayan,hindi ko po alam paano gumawa nang isang blog. Sa blog po na ito ay nais kong ipaalam sa inyo ang aking mga natutunan,opinyon,realisasyon at programang aking sasabihin para sa sektor na ito. Sana ay mayroon po kayong matutunan at magustuhan niyo po itong blog na aking pianaghirapan. Ang natutunan ko sa sektor ng industriya ay ang sektor ng industriya ay isang sektor na ating pinagkukunan ng mga iba't- ibang pangangailangan tulad ng mga dilata at iba pa.Ang pangunahing layunin din nito ay maiproseso ang mga hilaw na materyales na mula sa sektor ng agrikultura upang gawing produkto.